Daming pangyayari sa buhay ko at kailangan eto ng pagbabago. Kadalasan ay hindi matanggap at napapraning sa kakaisip kung anong gagawin. Hindi mapakali kung ano ang kinabukasan ko at ano na mangyayari sa nakakabanas na aking buhay. Gusto ko magbago peru ewan ko at bumabalik parin sa aking kaisipan ang mga nakaraang kamaliang nagawa na hindi dapat mangyari kung hindi ako nagpakagago. Hirap maisulong ang aking minimithing pagbabago.

Ang sentral na ideya netong libro na pinamagatang “Who Moved My Cheese?” na isinulat ni Dr. Spencer Johnson ay “Ang pagbabago sa buhay na hindi talaga maiiwasan. Kaysa iwasan eto dapat nalang harapin at makisama sa pagbabago”. Eto ay may humigit o kumulang na isang daan (100) pahina. Sa unang tanaw netong libro ay makikita mo ang simple ng ayus o disenyo na parang isinulat para sa mga bata. Simple o madali lang basahin at unawain  ang kuwento ngunit meron ding kalaliman ang pinapahiwatig neto. Ang kuwento neto ay umiikot sa apat na uri ng tauhan na sina Sniff at Scurry na mga daga at si Hem and Haw na mga tao. Etong apat na mga karakter ay naglilibot at naghahabulan sa “maze” upang mahanap ang minimithing “cheese”.

Ang “cheese” na eto ay isang talinghaga o nagbibigay simbolo para sa mga hinahangad sa buhay na kagaya ng mga trabaho o kaligayahan sa buhay. Ang simbilong eto na nagbibigay buhay o kaligayahan pag an gating ninanais sa buhay ay nandyan lang sa ating tabi. Peru kahirapan naman ang bigay netong “cheese” pag eto ay nawala sa ating mga kamay o hindi natuloy an gating ninanais na mangyari. Dito lumilibot ang paksa sa “cheese” at ang nagbibigay kagandahan sa paghahanap ng cheese ay ang “maze”. Ang “maze” naman ay nagsisimbolo ng kapaligiran o sitwasyon upang paano mo mahanap ang iyong hinahangad sa buhay. Ang “maze” kumbaga ang mga pangyayari na karugtong sa buhay ng “cheese”. Dito sa “maze” ay kung paano mo lalaruin ang mga sitwasyon upang makamit ang “cheese”.

Karamihan sa atin mga tao ay nahihirapang tanggapin ang mga pagbabago o nahihirapang magbago kagaya sa akin dahil sa rason na katamaran at marami pang ibang mga paktor bakit ako’y nababaliw ngayon. Sa buhay ngayon ay kadalasan tayo sinasalubong ng mga biglaang mga sitwasyon na pinipilit tayong magbago. Peru dahil eto ay biglaan mahirap iwasto o itama ang mga bagay bagay na dapat ituwid.

Ang kuwentong eto ay pambata peru may aral na pinapahiwatig. Ang may akda na ginamit ang teknik na simpleng pagsulat na upang kahit bata ay madaling maintindihan ang ideya na pinapaliwanag. Ang mga karakter sa pambatang kuwento ay ang dalawang daga at dalawang maliit na tao. Ang mga daga ay simple lang mag-isip kaysa sa mga maliit na tao na ginagawang komplikado.

Isang araw nakahanap sila ng tambak ng “cheese” sa isang kuwarto. Ang dalawang maliit na tao – Hem at Haw ay inakala sa dami ng cheese ay hindi na eto mauubos. Sila ay puno ng kasiyahan at araw-araw sila bumabalik dun at nasanay sa kaligayahang nakamit. Peru ang mga daga – Sniff at Scurry ay simple lang mag-isip at alam na mauubos din ang cheese o eto ay nagrerepresenta na meron din katapusan ang kanilang kasiyahan.

Isang araw ang kuwarto na puno ng cheese ay biglang nawala. Dahil simple lang mag-isip ang mga daga sila ay diritsong nagpatuloy naghanap ng cheese sa maze. Sina Hem at Haw na maliit na tao ay dahil hindi nila matanggap ang pagkawala ng cheese ay nanaginip silang dalawa na babalik ang nawawalang cheese.

Sa ilang araw pagbabalik balik sa kuwartong nawawalan ng cheese, natanggap din ni Haw na hindi na talaga babalik ang cheese. Naiba ngayon ang pananaw ni Haw at ngayon ay nagiisip na maghanap ulit ng cheese.     Nawala din ang takot ni Haw na magbago hindi kagaya ni Hem na matigas ang ulo at ayaw magbago at tanggapin na hindi na babalik ang nawawalang at naubos na cheese. Sa pagbabalik hanap ni Haw ng cheese, nakalipas ng ilang araw ay nakahanap din ng mas malaking tambak ng cheese. Sa bagong kuwartong cheese na eto ay nauna at binati ng mga daga si Haw. Masaya si Haw at napaisip nya kung nagbago sya dati pa ay madali nyang mahanap ang bagong cheese.

Si Hem naman ay sa daming mga rason kung bakit ayaw nya maghanap ay nasa kuwartong walang laman ng cheese. Malamang patay na sya sa gutom.

Dahil matalik na kaibigan ni Haw si Hem ay nagsusulat sya ng mga mensahe sa mga nadaanan sa maze sa pag-iisip na baka sumunod si Hem. Etong mensahe parang gabay sana para kay Hem peru dahil ayaw magbago ni Hem sa katigasan at ayaw buksan ang kanyang komplikadong pag-iisip. Ang may-akda ay ginamit etong mga mensahe sinulat ni Haw na ipahiwatig ang mga aral sa kuwentong eto.

Nakamit ba ng may-akda ang aral na pinapapahiwatig neto? Sa akin ay medyo nakamit nya kung paano idaan ang madaling pagbabago. Madali talagang basahin at sa pagbabasa neto ay meron akong natutuklasan mga aral na pwedeng magamit peru ako si Hem na may katigasan sa ulo. Hindi pa ako ganun ka kumbinsido kung paano magbago. Sa totoo ako ay nawawala sa maze kung nandun lang ako. Sa aking pananaw ay meron kakayan etong kuwento para makapagbago ng buhay. Peru sa akin ay akin pang hinahanap kung paano magbago.