Ilang dekada na ang lumipas sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa Mindanao. Ni isa sa mga eto ay di nakatugon sa problema ng Mindanao at mga Moro. Binigay na preskripsyon ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para matapos ang pinaglalabang pagsasarili ngunit hindi eto ang tamang gamut sa problema ng Mindanao. Ang walang katapusang giyera sa Mindanao para sugpuin ang rebelyon ng mga Moro Mujahideen ay lalo pang nagpalayo sa kapayapaan na minimithi ng lahat para sa Mindanao.

Nung wala pa ang Kolonyalistang Spanyol sa Mindanao ang Bangsamoro ay nasa proseso na ng pagtatag ng estado at pang-gobyerno. Sa kalagitnaan ng 15th century Sultan Shariff ul Hashim ay nagtatag na ng Sulu Sultanate at sinundan ng pagtatag ng Magindanaw Sultanate sa unang bahagi ng 16th century ni Shariff Muhammad Kabungsuwan. Ang Malays, Aztecs at ang mga Incas ay natalo dati sa matibay na bakal ng mga Spanyol, at ang mga kanilang mga linggwahe at institusyon kasaling napuksa at naglaho. Hindi sa mga Moros na matatag at buo, ang kanilang relihiyon, kultura ay patuloy paring iniwagayway at pinaglalaban. Dumating ang mga conquistadores, lumabang bigo sa pagsakop. Nanatili parin ang Moro. Hindi kagaya sa mga Indios (ngayon ay Filipino) ay nagpasakop sa mga Spanyol.

Ika-17 ng Marso 1968 naganap ang karumaldumal na “Jabidah Masaker” sa nabatong Isla ng Corregidor. Sa 64 na Moro trainee, si Jarin Arola lang ang nakatakas at nakaligtas sa kapahamakan. Dahil sa “Jabidah Masaker” itoy naging daan na muling buhayin ang pinaglalaban ng Moro na Pagsasarili. Dito rin unti-unting nabuo ang Moro National Liberation Front (MNLF) na pinangungunuan ni Nur Misuari na dating propesor ng UP Diliman. Tinayo ang MNLF bilang depensa sa mga karahasan ng mga gropo na vigilanting Kristiyano kagaya ng ILAGA (Ilonggo Land Grabbing Association) na naghahasik ng lagim sa Muslim na etoy din dahilan na nagliyab ang galit ng mga Muslim. Ang dahas ng ILAGA ay umabot sa madugong insidente noong Hunyo 1971 nang I masakir ang 65 na kalalakihan, kababaehan at mga bata sa mosque.

Ang represibong reaksyon ng Gobyerno ng Filipino sa assersyon ng mga mamayang Moro sa kanilang lehitimong karapatang para sa kalayaan at independensya ay nagresulta ng kasalukuyang giyera sa Mindanao. Dahil sa giyera na eto ay maraming buhay nabuwis, milyones na tao napilitang lumikas at nawalan ng bahay at bilyong dolaryares na halaga ng mga ari-arian ang natupok at nasira.

May isang pagtatangka na iresolba ang tunggalian na nagsimula nung ika 13-17 ng January 1975 nang magkita ang kinatawan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ang delegado ng Gobyerno ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia. Ang usapan ng MNLF-GRP ay nagtagal ng mahigit dalawang dekada at dalawang importanteng kasunduan ang nalagdaan, ang 1976 Tripoli Agreement at ang 1996 Peace Accord. Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay bunga ng mga nilagdaan nila.

Pagkatapos ng konlusyon ng MNLF-GRP negosasyon, ang pormal na pag-uusap sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinangungunahan ni Amirul Mujahid Hashim Salamat, isang pangkat na tumiwalag sa MNLF, na nagsimula ang negosasyon noong ika-7 ng January 1997. Ang pangkapayapaan na pag-uusap ay patuloy parin hanggang ngayon. Sa ilang taong na negosasyon sa pagitan ng dalawang pangkat ay dumating sa kasunduan na tanging isyo ng ceasefire, and rehabilitasyon ng mga taong lumikas – mula sa mapanganib na lugar, tulad ng giyera at pag-tutulong sa mga apektado ng giyera.

Ang proseso ng pangkapayapaan na inaasam na darating na kapayapaan sa Mindanao peru sa kabila nito na sa apat na dekadang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at ng mga Bangsamoro liberation fronts ay ang Kapayapaan ay nananatiling mailap. Ang kawalan ng katuturan ng mapayapang proseso para makamit ang matibay na kapayapaan sa Mindanao ay dahil sa maling gamut na preskripsyon sa pundamental na isyo ng problema.

Ang preskripsyon na ARMM ay nagbunga dahil sa imposisyon ng Gobyerno na ang disensyo ng sistema ay nasa framework ng Konstitusyon ng Pilipinas. Dapat ang mga tagapamagitan sa negosasyon ay maghanap ng alternatibong solusyon at hindi ipiit sa framework ng sovereignity at teritoryal integridad ng Pilipinas. Eto ay isang pundamental na depekto sa paggamot ng isang problema sapagkat hindi kinikilala ng MILF ang konstitusyon ng Pilipinas sa dahilanan na ang paglipat ng nagsasarili na Bangsamoro Homeland sa teritoryo ng Pilipinas ay immoral at ay hindi makatarungan sapagkat hindi naman nasasakop ng Spanya ang Mindanao sa araw ng paglagda ng Treaty of Paris sa pagitan ng Spanya at US. Wala ring nangyaring plebisito na tinatanong ang mga mamayang Moro kung papayag ba sila na sumali sa Republika ng Pilipinas.

Ang pagsasarili ng Moro ay daan sa kapayapaan sa Mindanao. Ako’y naniniwala na masmabuting gumawa ng dalawang Estado na tayo’y magkaibigan kaysa pinipilit natin na tayo’y isang Nasyon at Bansa peru tayo naman ay nag-aaway at nagpapatayan. Alam naman natin na palpak ang ARMM at o anomang klasing Autonomy dahil hindi eto ang hinaing na mga Moro. Ang masmakatao na solusyon sa problema ng Mindanao ay bigyan karapatan at kalayaan ang Moro na pumili anong nararapat sa kanila at hindi dapat nasa kamay ng Filipino ang kapalaran ng Bangsamoro upang maging malaya at progrisibomg nasyon o estado. Walang karapatan ang Filipino para i Veto ang karapatan at lehitimong pagsasarili ng Moro. Mailap ang kapayapaan sa Mindanao hanggang hindi malaya at makapagsarili ang mga Moro.