Yan po ang i-ilan sa mga reaksyon ating natanggap sa ating paglabas ng ating malungkot na saluobin sa pagdeklara kay Mar Roxas bilang Datu at Anak ng Lanao Del Sur, at ang pag gawad sa kanya ng Amai Pak Pak award (Si Amai Pak Pak ang pinakatanyag na Meranaw na Bayani).

Bago po natin sagutin yan ilagay po natin sa tamang kontexto sa kasalukuyang pinoprotesta natin si Mar Roxas lang ang binigyan ng “titulo” at yung mga ibang tintuturing natin na hindi maganda ang turing sa atin ay di po kasali sa usaping eto.

Nagprotesta na po tayo nung kasagsagan ng Mamasapano Incident laban kay Senator Alan Peter Cayetano at ibang senador sa kanilang pinakita na di patas na pagtrato sa Bangsamoro. Sa katunayan, sinunog natin ang kanyang litrato sa harap ng libo-libong katao.

Si Senator Marcos naman kamakailan lang ay tinawag natin siyang berdugo at pinahiran natin ng dugo ang kanyang larawan bilang simbolo ng kanilang legacy na berdugo sa mga Muslim at Bangsamoro. At nauna pa jan sila Erap, kay Escudero sa isyung pandesal.

Sa tulong po ng ALLAH (S.W.T.) di po tayo nagkulang sa pagbatikos at pagprotesta sa mga taong nilalapasatangan at ina-abuso ang Bangsamoro. Pero sa isyung koronahan at gawaran si Mar Roxas lang po. Ano po ba isyu natin? Sabi nila dati nang ginagawa ng ilang grupo ng mga Meranaw ang ganyan bakit ngayon lang tayo nagprotesta? Tama po kayo. Pero hindi po yan ang Isyu. Ang isyu ang mga Titulo na yan binibigay sa mga tao kahit hindi Meranaw bilang pagkilala sa kanilang mga mabuting nagawa pero aaminin ko inabuso na eto ng iba at wala nang batayan ang kanilang pagbibigay ng Honorary na Titulo.

Marami po ang Anti-MOA-AD na politiko at bakit kay Mar lang kayo galit? Di po totoo yun. Sa katunayan nung 2010 ay naglabas ng fatwa ang mga Ulama sa mga politiko na hadlang sa kapayapaan. Kasama si Lobregat, Pinol, Drilon, Erap at Roxas. Yun ay base sa kanilang masusing pag-aaral. Pero si Mar po sa laahat sa kanila ay katangi-tangi dahil siya po ang pinaka-bokal na humaharang sa MOA-AD. Sa katunayan siya po ang nag=-udyok at sumuporta kila Lobregat, Pinol at Mayor Lawrence Cruz ng Iligan na mag-file ng petition sa Supreme Court.

Matandaan natin na dahil sa mga rally ng isinagawa sa Zamboanga at Iligan ang naghimok sa ibang kumander ng MILF na umatake sa ilang lugar sa Mindanao na nagresulta sa isang milyon na bakwit nung 2008 at daan-daang buhay ang naibuwis sa magkabilang parte kasama ang mga inosenteng sibilyan, wag na natin banggitin ang mga bahay at ari-arian na nasunog at nasira. Pero ang nakapagtataka, habang tayo ay nagluluksa, pumunta po Si Senator Mar Roxas sa Zamboangga City nung December 3, 2008 para pangunahan ang pagtitklop sa mga tarpaulin na ayaw nila sa MOA-AD. Simbolo daw eto ng kanilang panalo o victory against MOA-AD. Habang ang mga balo at naulila at mga bakwit ay hirap na umahon at bumalik sa normal, si Senator Mar po ay nakipagdiwang kila Lobregat at Pinol.

Pangalawa po, bakit hindi katanggap tangap samin na gawing Datu o gawaran ng parangal si Mar? Dahil po nung 2013 Zamboangga siege, katangi-tangi po ang pinakita ni Mar Roxas imbes na hanapan ng mapayapang paraan, mas pinili po niya ang MARahas na paraan na nagresulta sa pagkasawi ng daan-dang katao na namatay. Hindi po niya pinagbigyan ang negosasyon na umusad dahil ang kanyang katunggali na bise-presidente Binay ang nakikipag-usap sa grupo ni Nur Misuari.

Ang resulta marami pong bahay ang nasunog at karamihan sa mga kapatid natin na Tausug, Yakan,Sama at Badjao ay di na pinabalik sa kanilang tahanan. Karamihan sa kanila ay sa mga evacuation centers nakituloy ng ilang taon. Marami po sa mga bakwit ang namatay sa loob ng Grandstand lalo na sa mga bata dahil sa kakulangan ng suporta at pabaya ng gobyerno. Nakakapanlumong isipin ang kanilang masaklap na kapalaran.

At wag po natin kalimutan ang mga pahayag ni Mar Roxas sa kasagsagan ng Zambo Siege kung panu nila nalalman na MNLF ang kanilang nahuhuli–eto daw ay sa pamamagitan ng pag-recite sa Holy Rosary ng mga mga kaibigan nating mga Katoliko. So ibig sabihin po dahil hindi po alam ng mga Muslim ang rosaryo pwede na po silang hulihin–hindi po imposible na maraming sa mga nahuli ay inosenteng sibilyan. Patunay po jan ay ang pagpapalaya sa mga tinaguriang MNLF nitong nakaraan taon–napatunayan na wala silang kasalanan.

Hindi po malayo sa katotohanan na ang tanging kasalanan lang nila ay dahil hindi nila alam bigkasin ang Holy Rosary. Ilang taon silang nahiwalay sakanilang pamilya di ko lubos maisip ang sakit at hirap na dinanas ng kanilang mga pamilya.

At wag din natin kalimutang ang mga kapatid nating MNLF na mga martyr na Mujaheedin na namatay sa sagupaan na yun. Karamihan sa kanila ay di nabigyan ng sariling libingan at pinagkasya lang sila sa malaking libingan o mass grave na di man lang sila nasilayan ng kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay.

Pero ang pinakamasakit mga kaptid, nitong nakaraang Setyembre 9,2015 sa official Facebook page ni Senator Mar Roxas, binati nya ang mga taga Zamboangga ng “Happy Anniversary” bilang pag-gunita sa Zambo Siege. Napaka insensitibo at anti- Muslim na tao. Hindi eto ikinatuwa ng mga taga Zamboanga kaya nadelete sakanyang page. Tanong ko sa mga nagmamahal kay mar Rohas na Moro o Muslim? Sa tingin nyo ba nagbigay ng leksyon kay Mar ang nangyaring Gyera nung 2008, ganun din sa patayan sa Zambo Siege?

Kaya nyo bang sikmurain ang lahat ng kanyang ginawa laban sa atin? Prinsipyo at pananamplataya ang aming pinaglalaban kahit wala akong malapit na kamag anak sa mga nasawi nung 2008 at 2013 sa Zamboangga pero dahil ako ay kasama sa Muslim Ummah ang kanilang paghiirap at sakit ay katuwang po nila kami. Takbir!

(My Great, Great Grandfather Amai Porna is the Brother of Amai Pakpak–that is why I decry and protest the Amai Pak Pak Award to Mar Roxas, a proven Anti-Peace, Anti-Moro and anti-Muslim. I doubt if those who confer to him the award have any blood ties with Amai Pak Pak. May Allah SWT enlighten and Guide them to the Right path.