MGA MORO NA NAPATAY NG PNP-SAF SA MAMASAPANO HUWAG KALIMUTAN

Hindi lang SAF 44 ang namatay sa Mamasapano, hindi lang ang kanilang mga Pamilya ang naulila at me nabalong asawa.

18 na Mujahedin ang namatay at 5 sibilyan din ang pinapaniwalaang napatay.

Huwag din natin kalimutan ang 5 taon na bata na si Sarah Panangulon na namatay ng ratratin ng PNP-SAF ang kanilang bahay ang kanyang mga magulang ay nasugatan din.

Huwag natin kalimutan si Badruddin Langayen na isang magsasaka na lumabas lang para mag-charge ng kanyang cellphone ngunit di na nakabalik ng buhay at tad-tad ang kanyang katawan ng bala. Dalawa ang anak ni Badruddin na naulila at ang kanyang asawa na nabalo na si Sarah Langayen na ngayon ay napabalitang mamasokang Domestic helper sa Oman para lang mairaos ang kanyang dalawang anak napakasakit ng kanilang Sinapit.

Huwag natin kalimutan sina Omar Dagadas, Ali Esmail, Musib Hasim at Rasul Zukarnin na walang awang pinagbabaril sa loob ng Masjid ng mga SAF Commando survivor na si Christhoper Lalang. Sila ay mahimbing na natutulog sa akala nilang tapos na ang barilan dahil me ceasefire na nadeklara ngunit patraydor silang pinagbabaril hindi maipinta ang kanilang sinapit merun isa sakanila na labas ang kanyang mata, yung iba ay gutay gutay dahil sa malapitang pamamaril.

Ngunit sa kabila ng kanilang masakit na sinapit, tila parang walang halaga ang kanilang mga buhay tanging SAF 44 lang ang dinadamayan at sinisympatyahan. Tao din naman po sila.

Pero alam natin na hindi pantay ang trato at pagtingin satin sa Bangsamoro ng mga Pilipino. Pero Kung Hindi Po sila kinikilala tayo pong mga Moro ay di rin dapat makalimot sakanila. Ipagdasal po natin sila at ang kanilang mga naulilang pamilya. At sana po makamit natin ang Hustisya t Kapayapaan sa ating lupang tinubuan ang mahal nating BANGSAMORO.